NovelCat

Let’s Read The World

Open APP
Dwelling back

Dwelling back

Author: SMVCSY

Updating

Billionaire

Dwelling back PDF Free Download

Introduction

I never knew loving you could break me into pieces.. "Hindi ako maka kain, Tristan. Para akong pinatay ng paulit ulit.. I had to do anything and everything just to forget, til I can't feel my heart because you broke it into this tiny tiny pieces and I don't know what to do anymore to fucking put them back together! I went through hell because of you and now that I'm finally happy again, after so many years, you come back and ruin it all over again?!" I yelled as I felt my heart break into these tiny pieces again. This guy is going to be the death of me.
Show All▼

Chapter 1

  Hi! It has been a while since I wrote a story and I'm back! Back then most of my stories were fan fiction but I got over that phase now and I have great stories in mind that I would love to share to all of you. I hope you'd give me a chance to make you all happy.

  Let's all start fresh! I hope you enjoy this story as much as I enjoyed writing this.

  Lastly, the names of the characters and events that transpired in the story are purely fictional anything that may sound familiar or similar to actual facts are purely coincidental.

  -------------------------------------------------------------------------------------------------------------

  "Here's your ticket ma'am." The girl in the ticketing booth said giving me my ticket. Wala na akong sinabi pa at kumuha na rin ng boarding pass na tag ten pesos lang dito sa Hagnaya Port.

  6 am pa mag boboarding, wala parin naman ang roro boat na sasakyan ko papuntang Bantayan Island.

  I want to getaway. Gusto kong lumayo at mag laho nalang ng walang nakakaalam.

  "Mag Isa ka lang ma'am? Bakasyon?" Tanong ng matandang lalaki na kumukuha ng boarding ticket para maka pasok na ako sa waiting area.

  Alas 2 palang ng madaling araw ay bumyahe na ako papunta dito, walang tulog kahit konti at namumugto ang mga mata. I just nodded at him and smiled and he let me pass para maka upo na sa waiting area.

  The early morning breeze sent shivers in me at napaluha ang mata ko sa pinag halong antok, pagod at lungkot na bumalot sakin.

  It's still 5 in the morning may konting oras pa bago umalis. I sighed looking at the sea. It brings back good and bad memories. Hindi mawala ang kirot at sakit na nararamdaman ko ngayon, ang bigat. Sobrang bigat ng puso ko.

  Fuck...

  Paano nya nagawa sakin to? 7 years! 7 fucking years!

  Hindi ko mapigilang humikbi sa pag iyak habang nakaupo ako dito sa pinaka sulok ng waiting area. Para akong sinasaksak sa sakit. I covered my mouth to stop myself from making a sound from crying and kept on wiping my eyes na walang tigil tumulo ang mga luha ko.

  Wala masyadong tao ngayon dahil hindi naman summer kaya ang mga nandito lang ay mga taong uuwi siguro sa bantayan Island.

  Ang dami kong tanong na alam ko kahit kailan hindi na masasagot. Wala na akong ganang mabuhay ngayong wala na sya sa buhay ko. Totoo ba to? Nangyayari ba talaga to?

  "I'm sorry, Shantal. I'm really sorry.."

  Punyeta!!! Gago!!! Anong magagawa ng sorry mo? Mapapawi ba nito ang sakit na binigay mo sakin? Fuck, binigay ko sayo lahat! Lahat lahat!!!

  "Iha, okay ka lang ba?" Hindi ko namalayan na may matandang babae na pala sa gilid ko. "Opo. Okay lang ako." Hindi ko mapigilang pumiyok ang boses ko sa pag sagot. She gave me a sad smile and tapped my shoulder.

  Naalala ko ang Lola ko. Fuck naiiyak nanaman ako.

  "Okay lang yan, Iha. Iiyak mo lang lahat yan. Matatapos din yan kung ano man yan. At kung ano man yan? Wag mo ng ipilit kung hindi na talaga kaya."

  Tagos sa puso hanggang boto ang sinabi ng matanda sa akin. Tumulo nanaman ang luha ko ng maalala ko ang mga magagandang alaala namin.

  "Kahit naman po ipilit ko, wala na talaga. Wala sakin ang desisyon kasi ako? Handa naman po akong tanggapin lahat, handa akong kalimotan lahat at tanggapin sya ng buong buo kahit masakit dahil mahal ko, eh! pero sya? Ayaw nya. May choice na sya at hindi ako yun.." Bumuhos ang mga luha ko sa sinabi ko at humikbi ng grabe akala ko matutuluyan na ako dahil sa sakit hinawakan ko ang dibdib ko dahil ramdam na ramdam ko ang sakit. Punyeta mamamatay na ba ako nito?

  "Ssshhhh, sige Iiyak mo lang yan." Ramdam kong hinimas ng matandang babae ang likod ko habang para akong tangang umiiyak.

  Wala na akong hiya sa pag iyak ko dito dahil mas problema ko ang sakit na ito.

  Paano ako makakalimot?

  Makakalimot kaya ako?

  Pagkalipas ng ilang minuto nag boarding na rin sa wakas at nauna ng umalis ang matandang babae. Tumango ako sakanya at nagpasalamat. Tumayo na din ako at kinuha ang malaking back pack at isang shoulder bag ko at nag lakad na patungong barko. I wore my wayfarer para protektahan ang mata ko sa sikat ng araw ang sakit na kasi ng mata ko.

  Hindi pa ako nakakarating ng tuluyan sa barko ay sumikip nanaman ang dibdib ko ng makita ko sa malayo ang mga naka kulay orange na cover all na mga seaman.

  Putang ina naman eh! Iiyak nalang ba ako palagi pag naaalala ko sya?

  "Good morning po, ma'am! Ticket please?" Nakangiti lahat ng seaman na nag assist sakin at wala akong maisukli na ngiti kahit konti habang binibigay ang ticket ko.

  Wag nyo akong ngitian mga punyetang seaman kayo!! Baka ako pa mismo mag tapon sa inyo sa dagat!!

  I walked pass them pagkatapos without saying anything. Galit ako sa mga seaman, Galit ako sa mga lalaki in general.

  "Ganda no? Pero suplada kaayo oy. Sayang."

  Dinig kong bulong bulongan ng mga staff habang papasok ako sa loob ng barko.

  Wala akong paki sa inyo mga gago!!!!!

  Tama nga ako at konti lang ang pasahero ngayon kaya naman malaya akong umupo sa tabi ng railing dahil wala namang aircon dito eh tsaka wala ring seating arrangement kahit saan mo gusto umupo dun ka.

  I wore my airpods and played some music and tried to sleep but the moment I closed my eyes sya nanaman ang naaalala ko at lahat ng nangyari.

  Ang mga mata nyang puno ng luha habang nag sosorry sa akin. Ang mapupungay nyang mga mata, ang matangos nyang ilong at ang perpekto nyang mukha.

  Sya na mahal na mahal na mahal ko.

  Sinapak ko ang ulo ko ng napaka lakas ng tumulo nanaman ang mga luha ko ng maalala ko ang lahat.

  Punyeta shantal! Hindi pwede to. Magpakatatag ka naman please para sa sarili mo.

  Wala na okay? Wala na!!

  Please naman, sana mawala na ang sakit.

  I sighed and took a deep breathe before wiping my tears away.

  Ayoko ng umiyak pa. Hindi na ako iiyak para sa gago na yun.