NovelCat

Let’s Read The World

Open APP
September

September

Author: Senyorita Tristeza

Updating

Others

September PDF Free Download

Introduction

They said that everything happens for a reason. That reason maybe a step way to change your fate... Te amaré por siempre y para siempre, mi amor... Genre: Teen fiction Date started: March 10, 2020 Date finished: May 4, 2020 Also available in Wattpad
Show All▼

Chapter 1

  Summer 2009

  "Walter..." Tawag sakin ni mama pero di ko ito pinansin.

  "Walter, anak... Pansinin mo naman si mama oh..." Pakiusap nito sa akin at napabuntong hininga naman ako.

  "Ayoko sa labas... It's too hot!" Sigaw ko na ikinatawa lang ni mama.

  "But... Kailangan mo magkaroon ng kaibigan..." Sabi ni mama sa akin pero nagtago lang ko sa ilalim ng kumot ko.

  "I have a lot of books..." Sabi ko na hindi parin umaalis sa ilalim ng kumot.

  "But you still need friends... Baby, hindi naman habang buhay ay palagi ka nalang  nasa kwarto mo at nagbabasa" sabi ni mama na sinusubukang alisin yung kumot.

  "Masyado na kong matanda for playing!!" Sigaw ko na ikinahilot ni mama ng sintido.

  "Hayst... Baby, hindi pa matanda ang limang taong gulang..." Sabi ni mama na ikinasimangot ko.

  "Sige na... Bihis ka na... Pupunta daw kayo ng playground ni Ate Sophie..." Sabi ni mama at hinagkan ang noo ko.

  "Pwede bang dito nalang ako?" Sinubukan kong magmukhang kaawa awa kay mama pero umiling lang sya.

  "Di mo na ko lab?" Tanong ko na parang maiiyak. Baka magbago pa ang isip ni mama kapag umiyak ako.

  "Mahal parin kita, baby... Pero kailangan mo naman magkaroon ng friends... Madali lang mahanap ng libro pero hindi ang tunay na kaibigan... Always keep that in your mind... Sige na... Magbihis ka na..." Sabi ni mama at hinalikan ulit ako sa noo.

  Sinuot ko lang yung casual kong sinusuot at kinuha yung truck ko at pumunta na ng sala.

  Agad naman akong nakita ni Ate Sophie at nakasimangot na naglakad.

  "Parang pasan natin ang problema ng mundo ah?" Nakangiting sabi ni Ate Sophie sakin sabay ayos ng kwelyo ng suot ko.

  "Si mama kasi ate eh..." Mahinang sabi ko na mas lalong ikinangiti ni ate.

  "May point naman si mama eh... Kailangan mo rin ng kaibigan, Walter... It is hard to find a true one..." Sabi ni ate sabay tayo at gulo ng buhok ko.

  "I envy you, Ate" Sabi ko kay ate habang naglalakad kami papunta sa playground ng village.

  "Bakit naman?" Natatawang tanong ni ate pero nanatili parin akong nakasimangot.

  "Kasi adult ka na... " Bigla naman tumawa ng malakas si ate at hindi parin binibitawan ang kamay ko.

  "Hindi pa ko adult, Walter... I might be tall pero hindi pa naman adult ang fifteen, little bro..." Sabi nya sa akin at tumigil kami sa gate ng playground.

  "Nandito na tayo..." Sabi ni ate sabay bukas ng pinto at pinapasok ako.

  Maraming bata ang nag-eenjoy habang naglalaro.

  Namuo ang takot sa loob ko. Pano kung hindi nila ako magustuhan? Baka awayin nila ako or worse pagtulungan!

  "You can play with them if you want..." Nilingon ko si ate na nasa kaliwa ko na nakaluhod upang pantayan ang taas ko. I'm that small.

  "Pano kung awayin nila ako?" Nag-aalanganing tanong ko. Bago to sakin eh.

  "Then sigaw ka lang, ate will be right by your side" sabi ni ate na nakangiti at kinurot ang pisngi ko.

  "Sophie!!" Napalingon si Ate sa tumawag sa kanya, it was Ate Venice at tumingin akin.

  "Makipaglaro ka na... May kakausapin lang ako..." Tumayo si ate at nagtangkang umalis pero hinawakan ko ang kamay nya.

  "Trying won't hurt you..." Sabi ni ate at binitawan ko na yung kamay nya

  Napatingin ako sa mga batang naglalaro.

  Trying won't hurt me, right?

  Napahinga ako ng malalim at naglakad papunta sa mga batang naglalaro.

  Napatumba ako nung matamaan ako nung mga batang naghahabulan.

  "Ano ba yan?! Tumingin ka kasi sa dinadaanan mo!" Sigaw nung batang nakabunggo sakin. Iyon ang unang beses na sinigawan ako ng isang estrangherong bata. Hindi nga ko sinisigawan sa bahay eh!

  Nakita kong nagdurugo ang sugat sa tuhod ko dala ng pagkakabunggo sakin nung naghahabulan.

  Pinigilan kong wag umiyak sa hapdi ng sugat ko at nagtago sa likod ng pinakamalapit na puno sakin.

  Ayoko na, mas mabuti palang nasa loob lang ako ng bahay kaysa nandito.

  Niyakap ko ang tuhod ko at tiniis ang sakit ng tuhod ko.

  "Ayos ka lang?" May narinig akong boses ng isang batang babae ngunit di ko ito pinansin.

  "Uyy!! Bakit di ka nisasalita?" Sabi ulit nito pero nanatili lang akong nakupo at yakap yakap ang binti ko.

  "Hala! Ni dudugo twuhod mo!" Rinig kong sigaw nito at hinawakan pa ang sugat ko.

  "Aray!" Sigaw ko at agad niyang binawi yung daliri nyang ipinanghawak sa sugat ko.

  Isang batang babaeng may kasingkitan ang mga mata at may maikling buhok na kulot ang nakita ko nung inangat ko ang aking paningin.

  "Masakit ba?" Tanong nya na nakatagilid ang ulo. May sira ba utak nya?

  Ipinatong ko ang ulo ko sa mga braso kong yakap ang mga binti ko at naramdaman kong tumabi sya sakin.

  "Di ka pawin nisasalita... Di ka malunong?" Sabi nya ulit at sumingot naman ako. Sisipunin ata ko ah?

  "Niiiyak ka ba? Sino ni away sayo?" Tanong nito sakin at di ko parin sya iniintindi. Ano bang gusto nito? Ang kulit ah?

  "Ba't di kasi ikaw nisasalita? Gucho mo tuwuan kita?" Dun na ako nainis sa kanya. Wow ha? Mas tuwid pa nga ako magsalita sa kanya eh.

  "Why can you leave me alone?!" Sigaw ko na ikinatahimik nya.

  "You're so noisy! You talk too much!" Sigaw ko ulit at dun na sya umiyak.

  "Wahhhhh!! Huhuhuhuhuhu! Ateeeee!! Huhuhuhuhuhu" sigaw nya habang umiiyak.

  Nakita ko naman si Ate Sophie at Ate Venice na papalapit samin.

  Agad naman niyakap ni ate Venice yung batang makulit at niyakap naman ako ni Ate Sophie.

  "Anong nangyari, Walter? Ba't dumudugo ang tuhod mo? Ayos ka lang ba? Ba't umiiyak si Seph?" Sunod sunod na tanong ni Ate Sophie at di ko na rin mapigilang umiyak.

  "Oh no! Not you, Walter..."

  "Mamaaaaaaaaa!! Huwahhhhhhh!!!!" Sigaw ko habang umiiyak.

  "Shhh... Walter... Don't cry na... May hika ka pa naman..." Nag-aalalang sabi ni ate Sophie sabay yakap sakin.

  Medyo tumahan na ako at kinausap ulit ni Ate.

  "What happened?" Tanong nito sakin sabay punas ng luha sa pisngi ko.

  "Those kids... Nabangga nila ako yet sinigawan pa ko..." Napapaiyak naman ako pero pinunasan ko yung luha ko gamit ang braso ko.

  "And then... Nagtago ako sa likod ng tree at dun naupo *singhot* she came and poke my wound" Sabi  habang kinakagat ang ibabang labi ko upang mapigilan ng pag-iyak ko.

  "Sinigawan sya ni Walter..." Rinig kong sabi ni Ate Venice na ikinabuntong hininga ni Ate Sophie.

  "Sinundot daw ni Seph yung sugat nya" napabuntong hininga din si Ate Venice at inayos yung buhok nung batang babae.

  "Ate... Huhu... Alien sya..." Biglang sabi nung batang babae sabay duro sakin.

  "Huh? Bakit naman?" Tanong ni ate Venice na nakakunot noo na.

  "Kasi *singhot" kanina... Nisigawan nya ko tapos di ko naintindihan sinabi nya kaya ni iyak ako" sumbong nung batang babae kay Ate Venice na ikinatawa ni ate Sophie at Ate Venice.

  "Ang weird nyong dalawa hahahaha!" Tawa ni Ate Sophie na ikinasimangot ko. I was hurt and everything pero nakuha nya pang tumawa.

  "You should be friend with her..." Sabi ni Ate Sophie kaya tinignan ko sya ng pagkasamasama.

  "Why? Seph is nice... Pinaiyak mo nga lang..." Sabi ni Ate Sophie at tinignan ko naman yung batang babae.

  "Hey..." Tumingin naman ito sa akin sabay singot.

  "Can I be friends with you?" Tano g ko na ikinaiyak nanaman nito.

  Napatawa naman yung mga Ate namin at dito nagsimula ng pagkakaibigan namin.