NovelCat

Let’s Read The World

Open APP
Useless

Useless

Author: hiddenite

Updating

Billionaire

Useless PDF Free Download

Introduction

Useless (Scott Siblings Series #3): English Rhaine Scott This story is about Khazandra and Mathew's one of the triplets—English Scott that is originally published in Wattpad. This is a work of fiction. Names, places, and events are all imaginary. Ang lahat ng bagay na matutulad sa isang tao, lugar o pangyayari ay hindi sinasadya. Ang kabuoang kwento ay hango sa aking malikot na imahinasyon. Maghanda ng matuwa, maiyak (maybe), mainis (surely), at kiligin. I'm not confident na kikiligin kayo but I'll try my best to do. Ang kwentong ito ay istorya ng isa sa mga anak ni Mathew Justin and Khazandra sa nauna kong story. No need to read that before reading this but if you are curious then you may. Warning: Lots of typographical, grammatical, etc. errors. So if you can't deal with that then you're free to leave. Thanks! Note: Do not be confused about the order of scenarios. It will be written alternately by chapters. Present time and for the flashbacks. May mga pagkakataon din na magkasunod ang dalawang present scenes at gano'n din naman sa mga flashback. Once na matapos na ang flashbacks ay magiging normal na ang takbo ng kwento. This sign (***) will serve as a cue kung flashback na ba ang nangyayari. Thank you! Useless
Show All▼

Chapter 1

Archilous

Part 1

I always wonder about the people's existence. What is the purpose of our lives? Why are we in this world? Are we supposed to create our own destiny? Or life has already created it for us, and it is for us to find out?

I always wonder why trees are green? Why air is transparent? Why soil is brown? And why sky is blue? I grow little by little in thinking about why our world looks like this.

What's my use? Or I'm just useless?

I spent almost my teenage days thinking about my purpose in this life. And I was busy creating my own path; refusing the life that is already created for me. I am bound to inherit a huge company according to my mother. At my fifteen, she married my real father. I had known that time how to stand on my own. I quitted schooling for 2 years in minding my own world and creating my own source for a living. Mama did not agree, but she knew she could not bend my decisions. That's why she let me do whatever I want.

I did not have any hatred towards my real father as my mama explained to me everything. It was her decision after all. She chose her career over papa. And when the time permitted, they reunited again.

I met my half-brother once, and he seemed cool about it. That's what I really like. We would get along very well, I guess.

Until one day, I met this woman who is extremely "maarte" once on my part time job.

Naglalakad siya noon papasok sa isang restaurant na pinagta-trabahuhan ko. I was 18 that time and legal to work. I had a hard time looking for this job because of the age restrictions.

Hindi siya nakatingin sa daraanan niya that time kaya naman napatid siya sa isang upuan. Ang pagkaing hawak niya ay tumapon sa kanyang damit. The disgust in her eyes was very evident. Ngumiwi siya at halatang iritado sa nangyari. She looked like a spoiled brat to me.

Lumapit ako sa kanya at ibinigay ang aking panyo. Kahit na branded iyon at niregalo sa akin ni mama noon, tiningan niya muna iyon ng mabuti at parang nandidiring ipinunas sa kanyang damit.

"This is yuck." She said at halos magpapapadyak. Ilang taon na kaya ito? 16? Archilous, umayos ka nga!

"Hindi kasi tumitingin sa daan." Bulong ko. Tumingin siya sa akin at nagtaas ng kilay.

"What did you just say?" Tanong niya. Umiling-iling ako.

"Wala, ang arte." Sabi ko ng pabulong.

"Tss, I'm not maarte." Sabi niya lang at nagpapapadyak nang umalis.

I smirked at napailing-iling. Ni hindi manlang nagpasalamat. Maarte na, masama pa ang ugali.

"Yow, kuya! Decided ka na ba?" Nahinto ako sa pagma-mop at napatingin kay Parker. He was smiling widely. Humarap ako sa kanya at inayos ang cap ko.

"Oo, pero hindi ako aasa sa pera ng pamilya." Sabi ko sa kanya.

This was about me entering in school again. Naisip ko lang na importante pa rin na may tinapos ako para hindi naman ako mapag-iwanan ng mundo. Sa totoo lang, gusto ko maging inhinyero balang araw. Gusto ko rin mag-manage ng company someday pero imposible iyon kung hindi ako mag-aaral. Ito ang reyalidad ng buhay. Dapat akong mamulat.

"Sasama ka na ba sa akin sa school ko?" He asked. Napailing-iling ako.

"Bahala ka. This school is so good, I heard from Archimedes. Marami pang magagandang babae. Mas gaganahan kang mag-aral." He said. Sinamaan ko lang siya ng tingin.

"What's the name of your school again?" I asked. Lalong lumapad ang ngiti niya at sinabi ang pangalan ng school niya.

Ang school niya at ang school ng maarteng babae kanina ay iisa. I saw the name on her ID lace. I couldn't be wrong.

"Paano ako makakakuha ng scholarship doon?" I asked. Nanlaki ang mga mata ni Parker at tila namangha sa sinabi ko.

"Nagbago ang isip? Sabi ko na at babae lang ang makapagbabago ng isip mo." He said boastfully. Napailing-iling ako.

"Nhor Andrada, binabayaran ka para magtrabaho at hindi para makipagkwentuhan." Singit ng manager nitong restaurant. Napayuko ako sa kanya.

"Pasensya na po." Sabi ko at nagpatuloy sa pagma-mop. Hindi ko na napansin ang reaksyon ni Parker.

"Mr. Vialogo? It's an honor to have you here. What's your order? Table for how many people? Wala ka bang kasama?" Sunod-sunod na tanong ng manager nang mapansin siguro ang presensya ng kasama ko.

Napabuntong hininga ako.

"Ah, yes. I'm here to have a lunch with my brother dahil may pag-uusapan kami." Parker answered at nahihimigan ko ang tuwa sa kanyang boses. Napailing-iling ako. Here we go again.

Nilingon ko siya upang pigilan sa naiisip niyang gawin pero nagkibit-balikat lang siya.

"Oh? You're with your brother? Nasaan? I'll prepare your table, then." The manager answered. Lalong lumapad ang ngiti ni Parker.

"Kuya, kain na tayo. Nagugutom na ako." He said at hinimas pa ang kanyang tiyan habang may mapaglarong ngiti sa kanyang labi. Pasaway!

Nangunot naman ang noo ng lalaking manager.

"Where's your brother, Mr. Vialogo?" Tanong sa kanya nito. Sinamaan ko ulit ng tingin si Parker para pigilan siya ngunit wala iyong talab sa kanya.

"Ah, pinaglinis mo kaya baka mamaya pa kami kakain." He said. Napailing-iling ako.

Pasaway talaga.

"Huh?" Tanong ng manager. Nginuso ako ni Parker. Napatingin na rin sa akin ang manager at tila hindi nakuha ang sinasabi ni Parker. Naglakad si Parker palapit sa akin at tinapik ang balikat ko. Naawang ang bibig ng manager.

"Bilisan mo maglinis, Archilous Vialogo. Nagugutom na ako." Sabi niya at nilingon ang manager na ngayon ay hindi na maipinta ang mukha.

"So, saan kami kakain nitong kuya ko? Gutom na ako. I bet, gutom na rin siya sa dami mong pinagawa." And he smiled mischievously. Hindi makapaniwalang tinuro ako ng manager.

"I-ikaw si..." Inakbayan naman ako ni Parker. Hindi nawala ang masamang titig ko.

"Magkamukha ba kami? Pero mas gwapo ako. Tingnan mo ang suot, pang waiter. Teka kuya, waiter ka ba o janitor?" Dagdag pa ni Parker. Napabuntong hininga ako at napailing-iling nalang.

Umalis ako sa restaurant na 'yon dahil nag-iba na ang tungo sa akin. Thanks to Parker na puro kalokohan ang pumapasok sa isip. Sa totoo lang, plano ko na ring lumipat noon. Kaya lang, wala pa akong mahanap na paglilipatan. Masyadong abuso ang restaurant na 'yon. Kahit hindi sakop ng job description ay pinagagawa sa akin.

I met English Rhaine Scott and I know I was screwed. Mayaman at sobrang arte. I didn't know kung bakit ganito ang atraksyon ko sa batang 'yon. She was more like curious. Iyon ang tingin ko sa kanya. Kaya hindi ko malaman kung paano ko siya iha-handle.

Ang hirap niyang basahin, sa totoo lang. I didn't know kung sino ang mas gusto niya sa aming dalawa. Archimedes had everything, while I was nothing.

Nababaliw na yata ako. Gusto ko siya, gustong-gusto ko. Pero hindi ko siya maabot. Masyado siyang mataas. Kahit lantarang inihahayag niya sa akin ang pagkagusto niya, naniniguro pa rin ako. She was inconsistent back then. Parang ngayon, gusto niya ako. Tapos mamaya naman ay hindi na. I didn't know what to feel.

"English is so stubborn. Maarte 'yon at matigas ang ulo. That's why daddy's over protective of her. Parang walang papasa para sa kanya." Math said one day nang magtrabaho kami. He asked for my help para sa part time job. I didn't refuse, though he's English's brother after all. And he's a good friend to me. May pangarap.

Doon ako napaisip, paano ako magiging deserving sa maarteng 'yon? Sa batang 'yon? Tangina! Bata pa siya at mukhang pabago-bago pa ang nararamdaman.

I wasn't vague to her. I didn't want to be vague dahil ayaw kong pagdudahan niya ako. Gusto kong maging klaro sa kanya. Para wala siyang maisumbat sa akin.

Nababaliw na yata ako sa batang 'yon. Araw-araw ay palalim nang palalim ang nararamdaman ko para sa kanya. She was like a fire that was consuming me little by little.

"English Scott, mayamang maarte ba kuya?" Parker asked me one day bago ang ball sa school. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy nalang sa ginagawa.

"Bali-balita na 'yon ang pinaka sa tatlong magkakapatid. Hard to tame, loves to explore. Mabilis mawala ang nararamdaman. Weird pero totoo. May nakwento sa akin si Archi one time. Meron daw lalaking may gusto roon, pero nang lapitan ay bigla raw kumawala." Dugtong pa niya. Doon na ako tuluyang napatingin sa kanya. Nangunot ang noo ko.

"You know, Archimedes likes her. Noong una raw ay nagpaparamdam 'yong si English sa kanya. Ngayon daw nang lapitan niya, kumakawala na. Ikaw na ata ang gusto noon." Nangunot ang noo ko. Impossible! Si Archimedes ang gusto niya. Paanong ako?

"Alam kong hindi ka mahilig sa maarteng babae, kuya. Kaya pakiramdam ko hindi totoo ang sinasabi ni Archi." Sabi pa niya at umiling-iling. I smirked.

Ayaw mo pala sa maarte, Archilous? Pero sa sobrang arte, gustong-gusto mo? Tangina!

"Son, one thing for you. If you have to gain something or someone, you must work hard for it. Huwag kang padalos-dalos. Ang buhay ay parang panliligaw sa isang babae. Huwag mong mamadaliin, mababasted ka lang. For now, isipin mo kung paano ka magiging deserving sa taong gusto mo." Sabi sa akin ni papa bago ang gabi ng ball.