NovelCat

Let’s Read The World

Open APP
Ang Estudyante sa Faculty

Ang Estudyante sa Faculty

Author: Anna_Kang26

Updating

Thriller

Ang Estudyante sa Faculty PDF Free Download

Introduction

Si Mariane Nicole Linao ay estudyante na nagnanais na makapagtapos ng pag aaral. Para sa pamilya niya at para sa sarili niya. Matutuloy kaya ang inaasam niyang makatapos ng pag aaral? Halina't subaybayan si Mariane at ang sikreto niya na magiging misteryo. Ating alamin ito at tuklasan
Show All▼

Chapter 1

  Isang estudyante si Mariane Nicole ng FNHS. Siya ang nag iisang anak ni aling Linao. Bata palang siya ay iniwan na sila ng kanyang ama. Kaya namuhay siya sa kahirapan

  Dahil sa kahirapan ay nagtrabaho siya sa murang edad. Tinulungan niya ang kanyang ina para may makain sila sa araw araw

  -----

  "Maryannn!" sigaw ni aling linao

  Napabangon siya dahil sa sigaw ng nanay niya. Nagugutom na siguro ito

  Lumabas siya at nakita niya si aling linao na nasa lamesa at kumakain

  "Nay ano yan kinakain mo?" lumapit ako para makita kung ano ito

  "Pumunta ka muna kay mareng silvia kunin mo ang inutang ko" napatigil siya sa pagsalita ng ina at hindi na natuloy ang paglapit

  Hindi niya na ito sinagot at tumango nalang. Hinanap niya ang kanyang tsinelas pero hindi niya makita

  "Asan na iyon" hinalungkat ko ang istante pero wala. Dalawa lang namin kami dito pero iba iba ang mga tsinelas at...

  Ang iba ay parang nginatngat

  Anong nangyari dito? Kay inay kaya ito? Eh bakit may ngatngat?

  Dahil hindi ko makita ang tsinelas ko ay lumabas ako ng nakayapak

  Malapit lang naman ang bahay ng kumare ni nanay

  Habang naglalakad ay kapansin pansin ang mga dugo na nagkalat sa kalsada.

  Natapon siguro ang dinuguan ni Aling Susan

  Si aling susan ay nagtitinda ng dinuguan mula umaga hanggang gabi. Sobrang mabili ang tinda nito kaya ilang kilo ang niluluto nito araw araw

  Kaya ang mga tao dito ay hindi nagsasawa sa dinuguan ni aling susan

  Pinaglihi na sila sa dinuguan na may ulo at tenga ng baboy

  Sarap!

  Malapit na ako ng may nabangga ako

  "Ay sorry" paumanhin ko

  "Ang baho mo talaga hahahaha!" tinakpan nito ang ilong

  Si Adrian pala ito ang laging nang aasar sa kanya. Walang araw na hindi siya nito inasar

  Kaibigan ko ito pero dahil sa pambubully nito kaya feel ko na kaibigan pa ba ako nito?

  "Tumabi ka nga" siniko ko siya

  "Saan ka pupunta? Samahan na kita" ngiti ngiti pa ito

  "Sa kumare ni inay may ipapakuha" sagot ko

  Sumabay ito sa paglalakad niya. Nakarating na siya sa bahay ni Aling Silvia

  Kinatok niya ito "aling silvia tao po"

  Maya maya ay binuksan nito ang pintuan. Naka daster pa ito at nakalugay ang buhok

  "Pumasok muna kayo" utos nito

  Pumasok ito sa kwarto at ilang segundo lang ay lumabas ito

  "Ito ang limang daan na inutang ni kumare" saad nito

  Tumayo ako at kinuha ang inaabot nito

  "Maraming salamat po" sagot ko at yumuko ako

  Lumabas na ako ng kanilang tahanan at nag paalam na kay Aling Silvia. Nakita ko si Adrian na nakasandal sa bakod

  "Hoy tulala ka?" tanong ko

  "Wala may nakita lang ako" nagsimula na itong naglakad

  Anong nakita? O baka sino ang nakita niya? Babaero ka talaga Adrian!

  Sinundan ko ito at sinabayan sa paglalakad. Tahimik kaming naglalakad at walang nagsasalita

  Malapit na ako sa bahay namin kaya nagpaalam na ako

  "Ingat ka salamat sa pagsama" nakatulala pa rin ito

  Dahan dahan itong lumingon sa kanya at...

  Napaatras ako dahil sa nakita ko!

  Nagkulay pula ang mata nito

  Pero baka kulay pula talaga ang mata niya. Umatras ulit ako dahil nakakapangilabot

  Kumurap kurap pa siya para makumpirma ang nakita pero..... hindi na kulay pula ang mata nito

  "Hoy baho gwapong gwapo ka sakin?" lumawak ang pag ngiti nito

  "Kapal mo!" tinalikuran ko ito at naglakad na papasok sa bahay

  Bakit ganun ang nakita ko? Totoo ba iyon? O guni guni ko lang? Pero parang totoo e. Nagliliyab pa nga ang mata niya

  Pagkapasok ko sa bahay ay nagulat ako sa nasaksihan ko.....