NovelCat

Let’s Read The World

Open APP
Yes, Master (The Luther's Empire Series)

Yes, Master (The Luther's Empire Series)

Author: Iza Wan

Updating

Billionaire

Yes, Master (The Luther's Empire Series) PDF Free Download

Introduction

NAGTAGO siya sa Isla Lutherio upang kalimutan ang nabigong pag-ibig kay Lucy na napangasawa ng kapatid niyang si Martin. Ngunit sa halip na mapanatag ang kaniyang isip, mas lalo iyong gumulo at nakisali pa ang kaniyang puso. Hanggang saan aabot ang pag-ibig niya kung ang babaeng napupusuan ay milya ang layo ng edad sa kaniya? Jasson Luther is eighteen years older than Samara. Maaakusahan na nga siyang cradle's snatcher, mapagkakamalan pa siyang pedophile. Kaya naman para pigilan ang kakaibang nararamdaman sa anak ng mayordoma at driver nila, ibinaling niya ang atensiyon sa iba. Ngunit paano kung ang batang si Samara ay unti-unting nagdalaga? Ang musmos na katawan ay unti-unting nagkakaroon ng kurba. Mapigilan pa kaya niya ang nadarama? Does age really matter? O, mapapa-Yes, Master niya ang dalaga?
Show All▼

Chapter 1

IGINALA ni Jasson ang mga mata sa islang unti-unti na niyang natatanaw. The reflection of the morning blue skies in the ocean made his nerves calm. The green scenery of the island sent shivers down his spine and made him feel excited. 

It's been eight years since the last time he set his feet on that island where he grew up. The mountains behind their mansion, the rock formations on both sides of their huge house, the trees and leaves, the fine white sands on the seashore, and the green grass near the house. He misses it all.

At sa loob ng walong taong pagkakawalay rito, here he is now, setting his feet just to mend his broken heart.

Dahan-dahang bumagal ang takbo ng yate na kaniyang kinalululanan nang mapalapit na ito sa man-made wood bridge, sa kaliwang bahagi ng isla, ang nagsisilbi nitong port.

The man who was maneuvering the steering wheel totally stopped the yacht as it reached the point and got out of the cabin. Isa naman sa mga tauhan ang naghagis ng malaking lubid sa isa pa nilang tauhan na naroon sa boardwalk at itinali iyon sa matibay na bahagi ng tulay upang mapigilan ang sasakyang pandagat sa pagtangay ng alon.

"Welcome home, Master." Iminuwestra ng lalaking nagmamaniobra ng yate ang unang palapag kung saan abala ang mga tauhan sa pagkonekta ng tulay sa kabilang tulay upang magsilbing tawiran nila. Tinanguan ito ni Jasson.

His tight gripped on the railing loosen up as he released a deep breath. Ipinamulsa niya ang mga kamay sa suot na maong pants at nagsusumigaw ang nakakatakot nitong awra nang magsimula itong maglakad pababa ng naturang sasakyan.

From his head down, he lifts his head up as he walks on the bridge. His men in black bowed their heads as he passed by in front of them.

At the end of the boardwalk, five golf cars are waiting for their arrival. Jasson is standing in the middle of the bridge when a young girl, probably seven or eight years old, runs towards them. He stopped walking, wondering who the child was.

"Papa!" the girl on her pink dress, holding a teddy bear on her right hand, screamed of excitement.

Nilampasan siya nito at dumiretso sa lalaking nasa kaniyang likuran, nilingon niya ito.

"Samara!" Dawood, his driver draws a strict face as he shouted the young girl.

"The master is here!" tila namam natauhan ang paslit, huminto ito sa harap ng kaniyang driver. She called him 'papa' does it means she's his daughter, huh?

Unti-unti siyang nilingon ng paslit at tila takot na napayuko ito.

"I'm sorry, Master. She's just too excited to see her father. I loosen my grip on her." Habol-habol ang paghinga ng isang babaeng sumunod sa bata. It was Mara ang kanilang mayordoma na asawa ng kaniyang driver na si Dawood.

Hindi niya ito nilingon. Nanatili ang kaniyang paningin sa batang ngayon ay yukong-yuko ang ulo at hindi makatingin sa kaniya.

"Siya po ang anak namin, Master," aniya pa ng babae at binalingan ang paslit. "Samara, welcome our master," malumanay nitong utos dito.

Nakita niya ang pag-aalangan sa kilos ng batang tinawag na Samara. Narinig pa niya ang pagbuntong-hininga nito bago inilagay ang mga kamay sa magkabilang gilid ng bestidang suot nito. Hinawakan ng maliit nitong mga kamay ang bandang laylayan at itinaas ng bahagya, dinala ang isang paa sa likod ng isang paa, kasabay ng pagyukod nito.

"Maligayang pagdating po," bati nito sa matigas na tagalog, atsaka ito tumakbo sa likod ng ina at yumapos doon na animo takot.

Umangat ang gilid ng kaniyang labi nang habulin niya ito ng tingin at makitang sumulyap ito sa kaniya bago itinago ang mukha sa likod ng ina.

Tinanguan na lamang niya ito at nagpatuloy na sa paglalakad. Sumakay siya sa naunang golf car, habang ang ibang tauhan ay sa mga sumunod na sasakyan.

Kung tutuusin ay mas mapapadali kung ang chopper ang ginamit nila sa pagtungo roon. Ngunit mas gusto niyang marinig ang mabining himig ng munting alon at madama ang malamyos na hanging dagat kaysa ang pumailanlang sa himpapawid.

Mula sa tamang bagal ng kanilang pag-andar, sampung minuto nang unti-unti na niyang natatanaw ang mayayabong ngunit alaga sa gupit ng iba't ibang hugis ang mga halamang nagsisilbing harang ng mansiyon.

Sa gitna ay isang mataas at kulay gintong tarangkahan. Malawak iyon, labis sa dalawang sasakyan ang maaaring dumaan. At sa arko ng malaking gate na iyon ay nakaukit ang salitang 'Isla Lutherio'. Sa magkabilang gilid ay nakahilera na ang mga punong may mayayabong na dahon, nagsisilbing lilim sa hangganan ng driveway.

Matapos ang ilang kilometro ay tumambad sa kanila ang gintong gazebo na pumapagitna sa dalawang daan. Ilang metro mula rito ay matatanaw naman ang matayog at puting-puting istraktura. Ang kanilang mansiyon— na sa sobrang lawak ay maaari nang maihalintulad sa isang palasyo.

Huminto ang golf cart na kaniyang kinalululanan sa harap ng mansiyon. At mula sa puno ng hagdan pababa ay magkakatapat na nakahilera ang mga unipormadong katulong, pawang mga nakayukod at sumasalubong sa pagdating ng panganay na anak na Luther.

"Maligayang muling pagbabalik, Master Jasson," korong bati ng mga tagapaglingkod nang bumaba siya sa sasakyan.

Tinanguan lamang ito ng binata at nagtuloy-tuloy na sa pagpanhik. Atsaka lamang nagsipagkilos ang mga kasambahay nang tuluyang makapasok ng mansiyon ang kanilang amo.

ILANG ARAW na buhat nang dumating si Jasson sa isla. Ilang araw na rin siyang nagmumukmok sa kaniyang silid. At sa ilang araw na iyon ay hindi siya lumalabas doon. Tanging ang pagtanaw lamang sa tanawin na naaabot ng paningin buhat sa veranda ng kwarto ang kaniyang pampalipas oras.

Bumalik siya rito sa lugar kung saan sila isinilang at kung saan siya nagkaisip, upang kalimutan ang una ngunit nabigong pag-ibig.

Si Lucy. Ang babaeng ipinagkasundo sana sa kaniya, na hindi niya akalaing mahuhulog ang loob niya. Kung sana lang ay may pagmamahal ito sa kaniya, baka nagawa niya itong ipaglaban.

Ngunit sa ilang taon ng kanilang relasyon, batid niyang mayroon man siyang puwang sa puso nito, hindi iyon ganoon katindi tulad ng pag-ibig nito sa kapatid niyang si Martin. After all, si Martin naman talaga ang nagmamay-ari dito. Hinadlangan lamang ng dahil sa naging katayuan ng buhay nito noon.

Ipinilig ni Jasson ang ulo upang iwaglit sa pag-iisip ang kaniyang utak. Araw-araw na lang ay gano'n ang eksena niya. Tatayo sa veranda, tatanaw sa karagatan at mahuhulog sa nakaraan.

Nangunot ang noo niya nang dumako ang paningin sa kabilang bahagi ng mansiyon. Nagtataka dahil wala roon ang tanawing isa sa nagpapaalis ng kaniyang pagkabagot— ang batang si Samara na palaging abala sa pagdidilig sa mga bulaklak na naroon.

Dumungaw pa ang binata sa pasimano upang tingnan ang paslit, ngunit walang bakas na naroon ito. Maging ang maingay nitong tinig na palagi niyang naririnig na nakikipag-usap sa mga halaman ay hindi niya marinig.

Malalim siyang napabuntong-hininga at umalis sa veranda. Napagdesisyunan niyang lumabas na ng silid upang ma-divert ang kaniyang isip.

MAINGAT na hinango ni Samara sa oven ang mga cookies na kaniyang ginawa. Nilanghap niya ang mabangong aroma niyon na kumalat sa buong kusina.

"Sana magustuhan niya!" bulalas niya nang ilapag iyon sa counter top. Hinubad muna niya ang suot na apron at muling binuhat ang tray na naglalaman ng mga cookies.

Hindi siya lumabas sa hardin ng araw na iyon para magdilig, dahil naisipan niyang ipag-bake ang kanilang master bilang panghimagas nito.

"Samara, magdahan-dahan ka!" bilin ng kaniyang ina. Hindi na niya ito sinagot at dumiretso na ng tungo sa malawak na sala. Kailangan pa kasing dumaan bago makarating sa engrandeng hagdan na magdadala sa kaniya sa ikalawang palapag, kung nasaan ang silid ng kanilang Master Jasson.

Papalapit na ang bata sa gitna ng sala, bakas ang excitement sa mukha nito habang ang mga mata ay nasa mga cookies na dala-dala. Kaya hindi nito napansin ang makapal na alpombra at sumabit ang tsinelas nitong suot-suot, dahilan upang ito ay matisod at tumilapon ang bitbitin.

Lumambong ang bilugan nitong mga mata pagkakita na ang mga cookies na kaniyang pinaghirapan ay nakakalat na sa alpombra.

At ang dismaya sa mga mata nito ay napalitan ng takot nang makita ang pares ng mga paa na nasasapinan ng mamahaling tsinelas. Unti-unti itong nag-angat ng ulo, atsaka mabilis na tumayo buhat sa pagkakasubsob.

"Anong nangyari?" indi man kalakasan ang tinig ng nagtanong ay nagdulot pa rin iyon ng matinding takot sa batang si Samara na nakayuko sa harapan ni Jasson. Hindi ito sumagot o nag-angat man lamang ng ulo.

"Diyos ko po, Samara! Sinabi naman kasi sa iyo na magpatulong ka na," anang tinig buhat sa likod ng paslit, si Mara, ang ina nito, at may kasama itong isa pang kasambahay na mabilis na tinungo at nilinis ang kalat na ginawa ng bata.

"Master, ipagpaumanhin po ninyo ang kawalang ingat ng anak ko." Yumukod ito sa harap ni Jasson habang hawak sa balikat ang anak.

"Mama, hindi ko naman po sinasadya. Natisod po ako ng carpet kaya ako nadapa," ani Samara na tiningala ang ina. Iniiwasang mapatingin sa binatang kaharap.

"Kahit pa, Samara! Nakakahiya sa master! Humingi ka ng tawad!" pigil ang paglakas ng tinig na utos ni Mara sa anak..

"P-patawad po, Master. Ginawan ko po kayo ng cookies. Ihahatid ko na sana sa inyong silid, ngunit nadapa ako at tumilapon na ang lahat," mangiyak-ngiyak nitong paliwanag.

Umangat ang gilid ng bibig ni Jasson atsaka ito nag-squat upang pantayan ang taas ng bata. Pumatong ang malambot nitong kamay sa ulo ng paslit.

"Ipinag-bake mo ako ng cookies?"

Sumisinghot na tumango si Samara.

"Salamat. Pero hindi kasi ako kumakain ng matamis."

Muling suminghot ang batang kaharap, pinunasan pa nito ang namasang pisngi bago sinagot ang binata.

"Alam ko po, kaya nga po coffee flavored cookies iyong ginawa ko. Pero nasayang na," bakas ang panghihinayang sa tinig ni Samara. Hindi pa rin magawang tingnan ang kaharap.

Dumapo ang palad ni Jasson sa malambot na pisngi ni ng paslit, humaplos ang hinlalaki upang tuyuin ang luha nito. "Sayang nga. Parang gusto ko tuloy matikman," aniya rito.

Mabilis ang naging reaksiyon ng paslit. Nag-angat ito ng ulo at nanlalaki ang mga matang tinitigan ang amo.

"Pwede bang igawa mo ulit ako habang pinanonood kita?"

Unti-unting nanlaki ang mga mata ng paslit, at nang makuha ang sinabi ng kaharap na amo, sunod-sunod ang naging pagtango nito na tila siyang-siya. Tumayo si Jasson at inilahad ang kamay kay Samara na agad nitong tinanggap, bago magkahawak kamay na tinungo ng dalawa ang kusina.