NovelCat

Allons Lire Le Monde

Ouvrir APP
CODED DETECTIVE

CODED DETECTIVE

Auteur: Teprichore

En cours

Sci-Fi

CODED DETECTIVE PDF Free Download

Introduction

Mysteries. Codes. Hallucinations. Anong mangyayari kung isang araw, nalaman mong pinaglalaruan ka na pala sa mundong ginagalawan mo? Si Treigan Keen ay isa sa mga detectives na kayang hamakin ang lahat para sa hustisya. Sa hindi inaasahang pangyayari, pagkatapos niyang iparegister para sa Team 2 ng Ginam Police Station, nakainkwentro niya ang isang organisasyong nagmamanipula sa isang katangi-tanging droga. Isang drogang nagpabago ng ikot ng mundo at ng takbo ng buhay niya. Ano kayang gagawin ng ating bida para solusyonan ang mga krimeng haharapin niya? Abangan!
Afficher▼

Chapter 1

  ╔═════ ∘◦ ✾ ◦∘ ══════╗

  CODED DETECTIVE 

  001: THE CALL

  ╚═════ ∘◦ ❈ ◦∘ ══════╝

  Tumatagiktik pa rin ang pawis habang paikot-ikot sa pagtakbo. Rinig ko pa rin ang mga yapak ng mga taong hindi ko alwam ang pagkakakilanlan. Bakit sila andirito? Anong kailangan nila sa akin?

  "K-Keen!" Naphinto ako sa pagtakbo nang marinig ang isang pamilyar na boses.

  Ang boses ng isang taong hindi ko man lang nagawang iligtas noon. Inikot ko ang mga mata ko ngunit hindi ko pa rin siya matanaw. Balisa pa rin ako at hindi ko pa rin alam kung saan lilingon nang makaramdam ako ng paghawak sa aking kanang balikat.

  Sa pagkakataong iyon, narinig ko ang isang boses. Ang boses na pinakatatakunan ko simula noon. Isang tao mula sa mapait na nakaraan na hindi pa rin tumitigil sa paghahanap sa akin. Bakit ako? Bakit ako pa?!

  Dahan-dahan akong lumingon kahit pa nanginginig ang buong kalamnan ko. At nakita ko siyang nakangiti sa akin. Hindi pa ganoon kalinaw ang mukha pero alam kong kilala ko siya.

  "I-Ikaw?"

  ---

  Mag-aalas ONSE ng gabi nang magising ako dahil sa tunog ng ringtone ko. Sino naman ang tatawag ng ganitong oras sa akin? Sayang tuloy ang pagkakahimbing ko.

  Napailing na lang ako at saka dinampot ang telepono sa ilalim ng unan.

  "Si Uncle Vin?" Mahinang tanong ko sa sarili at medyo nagulat na rin nang makita ang pangalang nakarehistro.

  Hindi kasi siya iyong tipong tatawag kung wala namang mahalagang sasabihin or worse, baka emergency kaya niya ako tinawagan. Sinagot ko na ang tawag at hinintay nalang makisama ang signal.

  [M—sh M-si]

  Napailing naman ako, mukhang hindi talaga ako pinapakisamahan ng mga bagay sa mundo. Gaya nalabg ng— signal!

  Kahit labag sa kalooban ko, tumayo ako at lumabas sa tinitirhang apartment para makasagap ng signal—Hindi pala makasagap, kahit pala makalimos man lang.

  Pagkalabas ko ay biglang nadagdagan ang status bar ng signal kaya nag 'hello' na ako kay Uncle.

  [Moshi-moshi, Keen-Chan]

  Kung hindi ako nagkakamali, ang moshi-moshi ay 'hello' kapag may kausap sa phone ang mga Japanese. Basta, hindi ako sigurado dahil una sa lahat, wala naman akong lahing hapon!

  Kahit kailan talaga 'tong si tito, feeling hapon. Lagi na lang akong tinatawag na 'Keen-chan' baka pagkamalan akong kapatid ni Ken Chan niyan ha?!

  Napangisi na lang ako at nagtanong: "Yes?!" Medyo may pagka-sarkastiko para naman pumasok sa kaniya na medyo nasira ang gabi ko. Medyo lang naman.

  Narinig ko naman ang pagtawa niya sa kabilang linya na naging dahilan ng pagtaas ng kilay ko.

  Mukhang hindi naman pala ganoon ka-importante ang itinawag niya sa akin ngayon.

  [Okay, easy ka lang, Keen. I just need to ask things for this very serious matter.]

  Aniya sa kabilang linya. Kumunot naman ang noo ko. Sa pagkakaalam ko wala pa naman akong kahindik-hindik na ginawa ngayong araw.

  "Ano yun, uncle?" Tanong ko naman.

  Mabait naman akong pamangkin, lalo na't si Uncle ang nag-alaga sa akin simula noong bata pa lang ako kaya para nalang kaming magtropa at inalis na ang formality like 'po' and 'opo'. But still, I respect him.

  [Hanggang 3 lang ang pasok niyo sa MAKOPA University hindi ba?]

  Bago sumagot sa tanong ni Uncle, sinilip ko muna ulit ang apartment ko. Chineck ko muna ang bagong schedule na nakadikit sa likod ng pintuan kasama ng ilang sling bags para kapag pasok palang, alam ko na ang priorities ko para sa araw. Iwas procastination daw, ayon kay Mr. Goolie Goolie.

  Buti na lang at iyon lang pala ang itatanong ni uncle, akala ko naman may mali nanaman akong nagawa.

  Lumabas na ulit ako para mas malakas ang signal at masagot na ang katanungan niya.

  "Yes, uncle. Pero kung mayroong ilang projects, around 4 ang uwi ko. Alam mo na, tanod sa library." Pagbibiro ko pa sa kaniya.

  Totoo iyon, sa library ko kasi nililibang ang sarili ko dahil wala masyadong estudyanteng nagpupunta lalo na tuwing dismissals.

  Hindi ko lang alam kung iyon din ba ang magiging takbo this school year. Pero dahil kilala ko ang sarili ko, malamang sa alamang, oo. May tao o wala, tuloy lang ang pagroronda.

  [That's good. I'm here to inform you that the Ginam Police Station is searching for high school students that are interested in being a detective.]

  Napahinto ako ng panandalian sa kinatatayuan ko. Parang napako dahil sa "good-news" ni Uncle.

  "Are you serious?!" I exclaimed.

  Narinig ko ulit ang kaniyang tawa sa kabilang linya.

  [I'm not going to call you if this is just a prank. You know I'm an interrogating detective too.]

  Pagpapaliwanag niya sa kabilang linya na may kasamang pagyayabang pero hindi ko muna pinansin iyon.

  Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at nagtatalon-talon na. Bahala na kung sinong makakita o maki-chismis. Basta ako, masaya ako sa dalang balita ni Uncle.

  [But...]

  Pagpigil niya sa akin. Napahinto naman ako sa pagwawala at inayos ang sarili ko.

  "What uncle?" Tanong ko naman habang nakangiti pa rin.

  [Of course, you have to go on training, a tough training rather. Ang tanging nagawa ko pa lang ay ipinaregister ka sa mga nagbabalak sumali. I know you, Keen-chan. Alam ko ring hindi mo palalampasin ang pagkakataon kaya pagkarinig ko palang sa announcement, mabilis kitang ineregister.]

  Napangiti naman ako sa sinabi niya. He's my 'known' father. Kaya kilalang-kilala niya na ako.

  "Don't worry uncle, I will not disappoint you. I'll do my best. By the way, Ilan ang makukuha sa mga high-school detectives?" Tanong ko pa sa kaniya.

  [I think around 4 or 5. It's for Team 2 at maswerteng apat lang ang makakapasok. Pero you know the Station and its admins, napaka-unpredictable ng kilos nila.]

  Nagbugtong-hininga naman ako. 4 or 5 slots, I know I can be one of those 4 or 5 kaso pahirapan. Hindi naman kasi ako katulad nina superman o kaya ng iba pang mga superheroes na may superpowers para mai-salba ang lahat ng taong sangkot sa isang krimen.

  Ang tanging meron lang ako ay katangahan at ang lakas ng loob na gawin ang lahat para makaresulba ng kaso.

  Papatayin ko na sana ang call nang biglang magsalita ulit si Uncle Vin sa kabilang linya.

  [Makasali or not, you know I will always be proud of you, Keen-chan. Pero I think it's impossible na hindi ka makasali HAHAHA. I trust in you. Alam kong namana mo lahat ng katalinuhan sa pamilya natin.]

  Napa-iling naman ako sa sinabi niya. Parang nai-imagine ko na iyong ngiti niyang malapad at saka thumbs up.

  Isa pa, "Katalinuhan" is not the right term dahil nakatali ata sa akin ang kamalasan at iba pang delikadong chechebureche sa buhay.

  "Pft. Thanks, uncle or may I say 'DAD' HAHAHA." Pagbibiro ko sa kaniya at natawa rin naman siya.

  [It will start next week, June 13, Saturday din. So ready yourself, baby girl HAHAHA]

  Nagtawanan muna kami at pagkatapos ay nagpaalam na sa isa't isa.

  I really wish class is over na or summer vacation pa gano'n. Ang kaso lang, hindi. Magsisimula palang ang klase sa dalawang araw. Napailing na lang ako sa naisip.

  Papasok na sana ako sa kwarto para ituloy ang pagtulog ko nang bigla akong makarinig ng malakas na sigawan. Para bang nag-aaway.

  "Ano ba Beltran, aalis ka nanaman?!"

  Hindi ko nakita ang sumigaw pero dahil sa boses, alam kong lalaki iyon. Tanging anino lang ang tanaw ko mula rito. Kung hindi mo naririnig ang boses nila, aakalain mong nag-uusap lang sila dahil wala masyadong motion.

  "Ano bang pakialam mo Fred. May kikitain nga ako hindi ba? Wag kang masyadong makialam! Isa pa, marami ka namang babae hindi ba? Ikaw pa 'tong galit!" Usal naman ng babae sa kaniya.

  Napailing ulit ako. Ni hindi sila naawa sa mga gustong matulog. Pumasok na ako sa kwarto at saka humiga sa kama. Hindi naman ako ganoon ka chismosa para pakinggan pa yung pagtatalo ng 'mag-asawa' o magkapatid lang. Aba, hindi ko alam!

  "Alam mo, kung pwede lang kitang patayin, matagal ko ng ginawa!" Sigaw ng babae na sa sobrang lakas, kahit sarado na ang pintuan ko ay dinig na dinig pa rin. Akala ko ba sound proof ito?

  Ay oo nga pala, may lintik na sumira ng isa sa mga bintana ko. Pinikit ko na lang ang mga mata ko. Mukhang marami pa akong kailangang gawin at aasikasuhin bukas.

  

End of Chapter O1: The Call. Next Chapter: Hang Man