NovelCat

Vamos ler

Abrir APP
My Perfect Boss

My Perfect Boss

Autor: ptm

Atualizando

Billionaire

My Perfect Boss PDF Free Download

Introdução

Si Natalia ay isang babaeng taga Pampanga na kailangang lumuwas sa Maynila para makapag-trabaho.Alam niyang mahirap ang buhay sa Maynila.Inaasahan niyang mapapasabak talaga siya dito.Nang siya ay makatapak sa Maynila ay dali-daling dumaretso sa address na itinuro ng kaniyang kaibigan para mag-apply ng trabaho bilang isang taga-linis o janitress,ngunit nangyari ang hindi nita inaasahan.
Mostrar▼

Chapter 1

  Natalia Guevarra's POV

  "Kuya,ano ba naman yan!nauna ako sayo oh,hindi mo ba nakikita na may pila?"-sigaw ko,shit naman!kanina pakong alas tres ng umaga dito.Hanggang ngayon ay hindi pa ako nakakasakay sa bus.Mag-aapply pa 'ko 'no!Hahanap din ng mauupahan duon sa Maynila.Hays,'di 'ko naman kasi ginustong lumuwas papunta duon,kung hindi lang talaga namin kailangan ng pera,mas gugustuhin kopa na manatili dito sa bukid namin sa Pampanga.

  "Ang ingay mo,ate!Parehas lang tayong kanina pa dito,wag ka ngang magreklamo dyan!Mas lalo lang umiinit ulo ko sa'yo eh!"-sigaw niya pabalik sakin.Aba sumasagot pa talaga 'to,eh siya na nga yung mali.

  "Aba,bastos ka,kuya.Dika siguro inaruga ng nanay mo,Diyan kana nga!!"-sayang lamang ang enerhiya ko kung aawayin ko pa siya.Dina kaya ng powers ko,dai!Gutom na gutom na'ko.Buti nalang may pabaon na isang balot ng skyflakes si nanay sakin.

  "Oh ate hanggang sa'yo,pasok na.Akina mga ticket niyo"-sigaw ni kuya.Sa wakas!!makakaupo din!

  Naglakad ako papunta sa likuran ng bus upang maupo na.Salamat naman at makakapagpahinga na ako.Actually,di naman pahinga 'to eh.Iniisip ko palang pagbiyahe mula dito hanggang sa Maynila ay napapagod na ako,isama mo pa 'tong katabi ko na ang laki laki at amoy araw.Madaling araw palang at wala pang araw,paano kaya ito nagamoy araw?di siya naligo mula kahapon?

  'di ko nalang pinansin at kinain na ang skyflakes na pabaon ni nanay,masarap sana ito kung isasawsaw sa kapeng mainit lalo na malamig ngayong madaling araw.Hmpk!!kaasar naman kasi,kung hindi lang sana sinangla ni lola yung lupa naming sakahan dati,edi sana wala kaming tutubusin ngayon,at edi sana mapayapa ang buhay ko sa bahay namin.Ngayon mapapasabak pa ako sa Maynila.Handa na ako sa traffic at polusyon huhuhu,ang clear skin ko pano na,kakayanin parin kaya ng safeguard na tig bente pesos sa tindahan namin ito.

  -----

  "Oh baba na,baba na.Andito na!!"-sigaw ni manong.hmpk istorbo si manong sa tulog ko.anyway,good morning.ay,wala palang good sa morning.

  Hinawakan ko ang bagpack ko at tuluyan ng bumaba sa bus.

  "grabe,ang laki laki,pero ang baho baho."-yan agad ang nasabi ko pagkababa ko.

  "Ano,miss?May sinasabi ka?"-napatingin ako sa likod ko nung may nagsalita.Hala,si kuya na katabi ko na amoy araw pala 'to.

  "Oo,kuya!!sabi ko amoy araw ka po!"-sabi ko sabay takbo at baka mahampas niya pa ako.hihihi!!rinig na rinig ko pa nga yung sigaw niya na bumalik daw ako dun,di naman ako uto-uto.Bahala ka dyan,kuya!

  Unang gagawin ko ay maghahanap ako ng trabahong maapply-an.Meron na akong alam na pupuntahan dahil sa kakilala kong si Jonson na nagtatrabaho sa isang kumpanya dito sa Maynila,ipapasok niya daw ako duon bilang isang janitress,alam kong hindi sapat ang kikitain ko duon,kaya pagkatapos kong pumunta don ay maghahanap agad ako ng iba pang raket.

  Walking distance lang daw yon mula sa terminal ng bus kaya nilakad ko nalang.Baka mas mauna pa akong makarating don ng naglalakad kesa magjeep sa sobrang traffic,sayang pa ang sampong piso ko,sumakit pa ang pwetan ko kakaupo.

  Ano pa kayang pweding iraket?magpokpok kaya ako sa mga bar?charot!!andito na pala ako sa kumpanyang pinagtatrabauhan ni Jonson,Guard siya dito eh.Asan naba yon?

  Shete!ang laki laki naman netong building na 'to.Ang bango bango pa sa loob. Lumapit ako sa front desk para magtanong.

  "Magandang araw po,andito po ako para magapply ng trabaho."-sabi ko sakaniya,ganda ni ate girl oh!puti ng ngipin!

  "Good morning,ma'am.For the job interview,please proceed to the 9th floor.Yung last office po sa right."

  "Sige,miss,salamat."

  Dumaretso ako sa elevator pagkatapos nun.Kinuha ko ang resume saaking bagpack,sure na sure na papasa ako dito bilang janitress.char,confident lang.

  Lumabas ako ng elevator pagkatungtong nito sa 9th floor.Naglakad ako papunta sa sinasabi ni ate girl kanina.Wala pang tao,masyado pa bang maaga?tinignan ko ang relo ko at nakitang mag na-9:00 am palang.Excited ako eh,hehehe.Naghintay ako sa upuan sa harap ng office na sinasabi ni ate kanina.

  ---

  Lumipas ang 30 minutes at wala pa ata yung magiinterview sakin.Hahanap muna ata ako ng ibang raket at babalik nalang mamaya eh?

  Tinext ko si Jonson na nandito na ako,ngunit nagreply siya na 10 am pa daw ang start ng interview.Bakit ba hindi niya agad sinabi sakin yon?Hmpk!!hihintayin ko nalang dahil 30 minutes nalang din,kesa bumalik balik pa ako.

  "gusto ko talaga dito,pag ako nahire dito kahit janitress lang ay okay na ako.gwapo ang boss nila dito!!nakakamatay"

  "ahhhh!!true ka jan girl!!sobra,makamandag!pang international ang kagwapuhan!"

  Napatingin ako sa dalawang babaeng naghaharutan at nagtitilian na parating.May hawak pa silang mga folder.Siguro ay magaapply din ang mga 'to.Pagkatapos non ay sunod sunod na ang mga babaeng naghahagikgikan na dumating.Ano bang meron?"

  "WHAT ARE YOU ALL DOING HERE!?!?!"-napatingin kami lahat sa nagsalita--i mean sumigaw.shete ang gwapo ni fafa!!

  "m-mag aapply po sana kami."-sagot ni ate.Kanina todo hagikgik to ngayon  nauutal na.Sabagay nakakautal naman talaga ang isang 'to.

  Dare-daretsong naglakad si kuyang gwapo sa tapat ng office kung saan kami naka upo,sakaniya office 'to?shet ang laki,at malinis sa loob,mukha tuloy mabango.

  bago pa siya pumasok duon ay tumingin siya saakin.

  "YOU!"-turo niya sa akin.shet ako ba?

  "ako po ba?"-tanong ko,sabay turo pa sa sarili ko.

  "Yes,come with me."-sabi niya.

  ANO DAW?CUM?CUM WITH ME?SAMAHAN KO SIYANG ----?CHAR!!